jump to navigation

Ano pa ba ang lagi kong pinopost? Oktubre 29, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Kapirasong Pakpak.
add a comment

-this one was made while my brother and father were having a little word skirmish.

-”Whom the gods wish to destroy, they first make angry.” - mula ata sa Greek to. hehe.

of Wrath

He is an orator,
of the mindless, the insane;
he makes his audience his
people. The diplomat,
the cause ever feasible:
his disciples paint the earth,
with fire and blood.

He can be hidden,
in words and ways tranquil,
even as his arson tears
down the soul. A wolf,
when fiercer, the howl later:
He takes off men’s faces,
and makes them grow fangs.

Ito…wala lang. ^_^

The Moth’s Elegy

I am blind,
for you have claimed my eyes.
You have burned away my cinders,
leaving incense and light.
You have taken my wings,
and taught me how to fly,
to the skies.

I am dead,
for my moments are yours.
You have become the fire of my days,
and the light of my nights.
You have bound up my feet,
and made them your shadow,
in the dark.

Adik talaga ako sa mga gamugamo. hehe. ayun…okay. wala lang talaga akong magawa ngayon.

Sana sumagi man lang, sa pagtulog man, o sa paggising, sa mata, o kahit man lang, sa likuran, ng nararamdaman…

Wala akong maisip na title. Oktubre 26, 2007

Posted by Raymund in Balat na Sunog.
add a comment

moth to the lantern
consumed by the flame
purged and removed of
the ash and the dust
all that is left
is sweet smelling incense
and his spectre that blazes bright

it is better
to be swallowed by the light
than to live and be stagnant
in the empty and the dark
moth to the lantern
consumed by the flame
the one that i envy is you

Hindi ako makatulog kapag gabi. Kapag nakalubog na ang araw, kahit man pumapatak ang ulan. Hindi ako matahimik, at parang mas makakapahinga pa ako kung dumaraan ang kamay ng liwanag sa aking bintana. Masyado sigurong tahimik, masyado sigurong madilim. Masyado sigurong maraming espasyo kung saan maaring gumuhit ang aking isipan, at kung saan ako pwede lunurin ng aking gunita…

Wala akong magawa. Sana matanggap ako dun sa mga subject na inenlistan ko. Haaay. Ang baba pa ng grado ko. Napaghahalataang tamad. Sana, hindi na naman mapako ang pangako ko sa sarili ko, sa kasunod na sem, na ako ay mag-aaral ng mabuti. Dapat ko ngang gawin iyon, para hindi nakatigil lang ang aking isipan, at nagliliwaliw sa kung saan-saan, katulad ng ginagawa niya sa itim na gabi…

Mas mataas pa grado ko dun sa mga General Education, o GE. Pero sabi ni zandra, mas ayos pa nga yun. Siguro, sa mindframe, sa point of view na titingnan mo na mas mahirap naman talaga yung major mo, yung specialization mo, tama nga naman na makakuha ka ng mas mataas na grade sa kung saan mas madali. Pero kung iisipin mo, dapat doon ka magaling sa major mo. Haaay. Shift kaya ako. Haha.

Isang buwan, at sampu at mahigit kalahating araw na. Binibilang ko pa kasi e. Haaay. Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, at kung kaya ba ng lakas ng loob ko na gawin iyon. Naiingit ako sa gamugamo, na kahit man alam niyang mamamatay siya, ay tuloy pa din ng pagbangga at pagpaso sa sarili sa salamin ng lampara, sa pagtusta sa sarili sa apoy hanggang makarating siya sa kamatayan; alam niya ang gusto niya, at gagawin niya ang lahat para makarating doon. Maganda ang liwanag, at wala na siyang dahilan para mag-alinlangan pa. Ako, hindi ko man alam ang gusto ko, sa kurso ko, sa kanya, na dahilan, kung bakit hindi pa rin ako makatulog…

Wala akong maisip na title. Wala akong maisip na papangalan, na salita, na magkukulong sa lahat nito, sa mga iniisip ko na parang isang tangke ng kape na pinainom sa akin.

Sana. Sana lang.

Hindi ba’t lahat ay panaginip lang, iba-iba lang ang paghimbing? Hindi ba’t lahat ay pangarap din, hindi lang maalala kung kailan ninais…?

(P.S. Titingin ka kaya sa akin ng ganoon, at kahit sandali kaya ay ako ay naaalala? Hindi ko mapigilang mag-isip, kung paano na, paano na, ikaw. Ngingiti ka kaya sa akin ng ganoon? Magkakaroon pa ba ng ganoong pagkakataon? Ang aking isipa’y naglalaro, sa mga tanong na itong mapagbiro, at natutulala ako’t napapaupo, sa aking kama habang niloloko, ng mga paglakbay ng aking imahinasyon.)

gamugamo sa lampara
tinupok ng apoy
tinanggal at sinala
ang dumi at abo
iniwan na lamang
mabangong insenso
at nagliliyab niyang multo

mas mabuti pa
lamunin ng liwanag
kaysa mabuhay, mabulok
na lamang sa dilim
gamugamo sa lampara
tinupok ng apoy
naiingit ako sa iyo

Steps Oktubre 23, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Kapirasong Pakpak.
2 comments

There are steps that slip,
and steps that skid,
steps that fall,
and steps that skip,
steps that are heavy,
steps that are mild,
steps that are meek,
steps that are wild.
There are steps that smash,
and steps that spin,
steps that fly,
and steps that sing,
steps that are broken,
steps that are sound,
steps that are free,
and steps that are bound.
There are steps that change,
by the minute,
by the moment,
steps that remain forever,
steps that make men tremble,
and steps that make them awed.
There are many kinds of steps,
indeed,
but yours
will do for me.

Mali. Oktubre 21, 2007

Posted by Raymund in Katiting na Mata.
add a comment

Bakla daw si Dumbledore. Wala lang.

Naisip ko lang, na napakagulo ng mundong ito, na maraming bagay na napakasimple, mga bagay na napakadaling solusyonan, kung susubukan lang, pero mas lalong pinapalala at pinababayaan. Napakagulo ng kung paano tumakbo ang mundong ito; ang mga taong narito, na kay babaw, kay…mali.

Nagtataka ako minsan sa mga problema ng tao…siguro, kaya ko sila hindi maiintindihan, kailanman, ay dahil hindi ako nagkaroon ng ganoong klaseng problema, at malamang hindi magkaroon ng ganoong klaseng problema. Sabihin niyo nang napakakonserbatibo ko. Ganun lang talaga tumakbo ang utak ko.

Natuturuan ba talaga, namamanibela ba talaga, ang nararamdaman? Nababago ba talaga ito, at may kontrol ba tayo dito. May magsasabing oo, at may magsasabing hindi. Nakakaapekto ba ito sa mga desisyon natin? Iyon. Iyon ang masasabi kong nasasaatin kung ano ang isasagot. Hindi naman kasi, siguro, laban ng isipan, at laban ng puso; ito ay laban sa pagitan ng sarili mo, at ng sarili mo. Ang puso mo ay ang asin at paminta, ang isip mo ay kung paano mo lulutuin; pero ang kung ano ang kakainin, ay nasasaiyo, wala sa iyong talino, wala sa iyong pandama. Siguro. Siguro lang.

Huwag niyo ako intindihin. Pilosopo mode na naman ako.

Sabi nga dun sa Florante at Laura, ang mundong ito’y bayan ng hinagpis. Sana nga kung hinagpis lang. Marami ang kaysa gawin ang tama, ay sinasabi na lamang na ang ginagawa nila ang ‘tama’. Nasaan na nga ba ang paghusga sa tama at mali. Mali. Napakaraming mali. At kung sabihan mo pa sila ay aakusahan ka nila, na ikaw ay mapaniil, mapang-abuso, nakakasira sa kanilang kalayaang pumili. Ano nga ba ang kalayaan, kung ikaw ay may pagkakataong pumili, pero ligaw naman ang iyong landas? Haaay.

Minsan, kinakalimutan ko na lang lahat nito, at titingin na lamang ako sa mga ulap, na kay ganda, at walang pakialam sa kanilang paglutang, at ang asul na langit na walang katapusan…ang mga tumatalsik, mga tumitilamsik, na pitik ng araw…at kahit papaano, sa madumi at mababaw na mundong ito, ay may kasiyahan pa rin, sa mga paruparo at mga bituin, at sa mga batang naglalaro ng watusi sa kalye…

…at ako, ang kasiyahan ko, ay sa pagtulog ko, sa aking panaginip, kung nasaan siya, at walang mali.

Matagal. Matagal na matagal na… Oktubre 19, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin.
1 comment so far

Dalawampu’t siyam na araw. at isang oras. hindi ko alam ang eksaktong minuto at segundo. Ang alam ko…

Matagal na din. Matagal na din akong hindi nagpost dito. Matagal na din akong hindi gumagawa ng mga bagay na matino. Matagal na din mula nung nakatulog ako ng sa oras. Matagal na din mula ng pakiramdam ko may ginagawa akong may kabuluhan. Matagal na din mula ng makita kita.

Matagal. Matagal na matagal na…at bukas, isang buwan na. Ewan ko ba kung bakit gusto pa kita makita. Hindi naman ako mabubusog. Hindi naman ako yayaman. Hindi naman kita makakausap, hindi mo naman ako kakausapin, baka nga hindi mo man lang ako makita kung hindi kita tatapikin…ano nga ba ang pakialam mo sa akin? Isa lamang akong alaala. Isa lang kitang alaala. Ano nga ba ang pakialam ko sa iyo?

Bakit nga ba kita hinahanap? Para sa sandaling matitigil ang lahat ng sandali, para sa ngiti sa iyong mukha…para sa ngiti sa aking mukha…? Para sa isa sa mga sandali na aking itatago na naman, at papangaraping magkaroon pa muli ng sandaling katulad noon?

Ang tao talaga. Walang pagkakuntento.

Narito ako, at laging nangangarap, na sa pagtingin ko sa likuran ko ay makita kita, na sa pagliko ko sa kanto ay makasalubong ka, kahit man ang isang delusyon, kahit man hindi totoo, kahit man kamukha mo lang, at sandali ay maloko ako ng aking mga malabong mata…narito ako, na nangangarap, na kahit man sa mga salita, ay marinig kita, kahit man lang sa isang paglilinlang sa akin, ng liwanag, ng tunog, ng aking pandama…

Nakakatawa. Nakakatawa. Nakakatawa ako.

…ano pa ba ang susunod dito? Ano pa ba ang solusyon dito…? Haaay.

Sana, makita pa kita ulit. Kahit hindi ikaw iyan. Kahit guniguni ko lang iyan. Kahit panaginip lang.

To a stranger:

I am weary
of wearing padlocked
riddles
with the keys flushed down
the drain. Silence left intact
pierce
with woeful shards, broken.
I have so many words eaten.
They leave a bad taste
in the mouth. I have seen
you
so many different ways, but never
further
than your face.
I have not gone past
the foreword, the preface, the title
page. Allow
me to borrow
you
again. Please.

At Five Setyembre 14, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Kapirasong Pakpak.
3 comments

At Five

It begins,
It starts,
at the Hour of Five.
The clock says five,
at the Hour of Five.
He is there, he is here,
at the Hour of Five.
He begins, he starts,
at the Hour of Five.

The second hand moves,
a second after Five.
He watches, he glances,
a second after Five.
He sits, he stands,
a second after Five.
For somebody,
for Somebody,
at the Hour of Five.

The minute hand moves,
a minute after Five.
Somebody might be there,
somebody might be here,
a minute after Five.
Somebody might pass by,
somebody might smile,
or Not, at Five,
at the Hour of Five.

It is a quarter,
a quarter after five,
He keeps his guard,
a quarter after Five.
He paces forth and back,
he goes round and round,
a quarter after Five.
He wants to, he does not,
at the Hour of Five.

This is his desire,
a half hour after five.
Somebody might show up,
somebody might appear,
a half hour after Five.
Somebody might be Somebody,
his somebody, his Somebody,
or Not, at Five,
at the Hour of Five.

The hall is empty,
with people, with voices,
with life,
at the last quarter of Five.
The hall is dead,
with faces, with colors,
with light,
or Not, at Five,
at the Hour of Five.

He is unsure,
but he remains,
at Five, the last minute of Five.
He wishes, he dreams,
the last minute of Five.
He is there, he is here,
the last second of Five.
He still is, always is,
at the Hour of Five. 

Paglalansi. XD Setyembre 1, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog, Kapirasong Pakpak.
4 comments

Bumabaligtad na. Galing na ngayon sa ultiply, napupunta dito sa WordPress ko. Bakit kaya? XD

Here, I will be testing something vital to my later methods. XD
*to the tune of Toyang*
Ayun. Masaya na ulit ako. Ahahahaha. Todo mood shift na ito.
They tried, to tell me na __ ___…
Naranasan niyo na ba na lumampas yung MRT sa istasyon na bababaan niyo? Nangyari sa akin kanina e. 
__ ___, ang sagot niya sa akin…
Magallanes dapat ako bababa, kaya lang, doon sa banda Guadalupe station, nakatulog ako…at nagising ako na papunta na sa Taft. Nakakatuwa ang istasyon ng Taft. Titigil lang yung MRT dun, tapos pupunta sa kabilang dulo ata yung driver. Tapos, punta na siyang Magallanes. Magsiswitch na lang siya ng riles kung kinakailangan. Ang galing. Ambabaw ko na naman. XD
Classroom namin, maliit lamang,
Kaya ayun. Bumaba na lang ako, tapos sumakay ulit. Ahahahaha. Kung ano pa yung binabaan ko, yun rin ang sinakyan ko.
Minsan, minsan, minsan magulo ito, kaya kami ay jackpot,
Ayun. First time ko magcutting. Para sa Machine Problem, na todo kinram. Kahapon. Ngayon, napasa ko, at hopefully, masusurvive naman ng grade ko ang 10% deduction ng one day late. Haaay. Hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw gumana nung code ko sa computer ni Ma’am…gumagana naman sa computer namin…
Pag kami’y may project, laging nagkacram!
Sitsiritsit, alibangbang,
Salaginto, salagubang,
Ang babae sa lansangan,
Kung humirit, parang tandang.
Bumili na kayo sa kooperatiba,
Haaay. Umuulan na naman, at tumutodo na ang uhog ko. Kadiri, hahaha. Huwag niyo ako gayahin, na nagpapabasa sa ulan. (Nag-eenjoy naman ako e.) Anlakas pa ng ubo ko. Pwede ring dahilan nito ang pagpupuyat ko sa pagkacram. Lesson: Huwag magcram. Matagl ko na nga dapat natutunan yan…hahahaha.
Sa tindahan ni Ma’am Serra,
Ano pa ba pwede kong masabi?
Sa kabilang dulo ng pasilyo,
Masaya ako. ^_^
Naroon ang hinahanap ko!
Nakablack ako kanina. Wala naman akong kamalay-malay na ang student council ay nag-announce ng black shirt day. Namatay daw yung isang tao, si Cris, sa frat war. Common sense, kung hindi ka naman masyado concerned sa population control (in which case matutuwa ka dahil nauubos na ang sangkatauhan) at normal kang tao (hindi ka sadista), dapat itigil ang frat war.
Mahal ko si ______,
Papunta nga ako dun sa library kanina, may foreign student na nagsabi sa akin ng ‘condolence’.
Kahit di ko masabi…
Kasalanan ko ba na nakaitim ako? Hindi ko naman alam. Pero siguro nakikiramay na rin ako, at naiingit.
Tangi kong pangarap,
Patay na siya e. Wala na siyang problema.
Ang siya ay laging makasama!
Pero may dahilan pa naman akong mabuhay. Masaya pa rin magkaroon ng problema.
Sana nama’y muling makita,
Huwag niyo masyado pansinin ako. Ganyan lang talaga ang malungkuting baliw. Pero, sa ngayon, hindi muna ako malungkutin.
Ang sa akin ay agad na nagpapangiti,
Haaay. Makakahinga na ako ng maluwag. Tapos na ang tambakan week ko. Hahaha.
Tulad ng bagsak ng ulan.
Next time talaga, hindi na ako magkacram. Sana hindi ito matulad sa karamihan sa mga resolusyon ko. Pero mukha namang nakakasunod na ako sa mga resolusyon ko. ^_^
Dalangin ko sana’y pagbigyan!
Frère Jacques, Frère Jacques,
Dormez-vous? Dormez-vous?
Sonnez les matines. Sonnez les matines.
Din, din, don. Din, din, don.
*repeat refrain*
Basta. Masaya talaga ako. Hahahaha. Ambabaw talaga ng kaligayahan ko. Nakakain na ako ng Waffle Time!
And she might just not say no!
Sana…medyo kalahati na ng sana ko ay ayos na. Salamat.
(Lastnote: Fill in the blanks. Teehee. Alam na! Hahahaha. )
P.S. Si Pon yung yellow, at si Zi yung blue. Ngayon ko lang nalaman. Anggulo rin nung tatay ko, nung sinabi nung kapatid ko yun, sabi ng tatay ko talagang hindi pwedeng maging blue ang sipon. Hahahaha. Tsaka anggaling talaga ni Severus Snape. Wala lang. May napansin kayo?

Bangag. Setyembre 1, 2007

Posted by Raymund in Kapirasong Pakpak.
1 comment so far

Ahahahaha.

Paano niyo sabihin ang iyon? Eyon!
Paano niyo sabihin ang ito? Eto!
Paano sasabihin ito? Ewan!
Subukan ko na lang ng ganito.

Eleven, eleven, mahal ko ang eleven,
Eleven, eleven, mahal ko ang Macau,
Macau, Macau, mahal ko ang Macau,
Macau, Macau, mahal ko ay ikaw—

Paano niyo sabihin ang iyon? Eyon!
Paano niyo sabihin ang ito? Eto!
Paano sasabihin ito? Ewan!
Uumpisahan ko na ito!

Matagal pa ba ako maghihintay?
Matagal pa ba ang pagsubaybay?
Hindi ba pwedeng ako makisabay?
Hindi ba pwedeng ako ay matangay—

Eleven, eleven, mahal ko ang eleven,
Eleven, eleven, mahal ko ang Macau,
Macau, Macau, mahal ko ang Macau,
Macau, Macau, mahal ko ay ikaw—

Eleven, eleven, labing-isa, onse,
Obvious naman siguro eyon–
Eleven, eleven, labing-isa, onse,
Obvious naman siguro eto–

Macau, Macau, mahal ko ang Macau,
Macau, Macau, mahal ko ay ikaw!
Ikaw, ikaw, ikaw lamang, ikaw,
Ikaw, wala ng iba pa, ikaw!

Bulabog Agosto 20, 2007

Posted by Raymund in Balat na Sunog.
1 comment so far

Eto. Alas tres ng umaga, at gising ako. Napakatahimik, naririnig ko yung paggalaw ng second hand ng clock namin. Sana hindi magising yung nanay ko, patay ako kapag nahuli niya ako dito. XD

Hindi ako makatulog! Haaay. Birthday ng kapatid ko ngayon, at ibig sabihin, wala lang. Nabuhay ngayong araw na ito ang isa sa mga pinakamalaking surot sa buhay ko. Hahaha. Sakit pa niya sumipa. Kaya ito ako, naghihintay na baka sakali datnan na ako ng antok. Antok…antok…nasaan ka na? XD

Kamusta kaya siya? Natutulog kaya siya?

Lamig Agosto 15, 2007

Posted by Raymund in Kapirasong Pakpak.
add a comment

Umuulan na naman. Dumating daw si Egay. Lumalamig na naman ang pakiramdam ko, at mabilis na naman ako ginawin sa paliligo. Nakakaasar, wala namang dahilan, nalulungkot na naman ako.

Paano kaya kung hindi ko na sila makita muli? Mga kaibigan, mga dating kaklase, mga kakilala, mga kamag-anak, mga minamahal…? Paano kung makalimutan ko sila, mawala na lang sila, hindi na sila uli sumulpot sa buhay ko? Asar. Masyado na naman siguro akong nag-iisip…

Ang mga tao ay sadyang may pangangailangang makisalamuha sa kanilang kapwa. Ang tao rin ay mahilig madikit sa nakaraan, at madalas ay hindi nagugustuhan ang pagbabago. Siguro, kaya gusto ko pa rin sana sila ang kasama ko, siguro, kaya hindi ko magawang mapanatag sa mga bagong mukhang nakikita ko, siguro, kaya pakiramdam ko ako ay nag-iisa…

Hindi ko na sila masyado madalas makita. May buhay rin naman sila, at tao naman sila, hindi naman sila laruan na pwede ko na lang ariin, kunin. Pero hindi naman nakakausap ang laruan…haaay. Ayaw ko pa sana…ayaw ko pa sana…

Paano kaya kung ang paghihiwalay na ito ay permanente? Umalis na sila papuntang ibang bansa, mamatay, mawala sa Bermuda Triangle? Paano pa ang mga bagay na hindi ko nagawa, mga bagay na hindi ko nasabi, mga bagay na hindi nangyari? Paano pa ang lahat ng oras na itatagal ko sa mundong ito na wala sila? na wala siya…? na wala…ikaw…?

Nalulungkot ako. Nilalamig ang dibdib ko.