jump to navigation

Paglalansi. XD Setyembre 1, 2007

Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog, Kapirasong Pakpak.
trackback

Bumabaligtad na. Galing na ngayon sa ultiply, napupunta dito sa WordPress ko. Bakit kaya? XD

Here, I will be testing something vital to my later methods. XD
*to the tune of Toyang*
Ayun. Masaya na ulit ako. Ahahahaha. Todo mood shift na ito.
They tried, to tell me na __ ___…
Naranasan niyo na ba na lumampas yung MRT sa istasyon na bababaan niyo? Nangyari sa akin kanina e. 
__ ___, ang sagot niya sa akin…
Magallanes dapat ako bababa, kaya lang, doon sa banda Guadalupe station, nakatulog ako…at nagising ako na papunta na sa Taft. Nakakatuwa ang istasyon ng Taft. Titigil lang yung MRT dun, tapos pupunta sa kabilang dulo ata yung driver. Tapos, punta na siyang Magallanes. Magsiswitch na lang siya ng riles kung kinakailangan. Ang galing. Ambabaw ko na naman. XD
Classroom namin, maliit lamang,
Kaya ayun. Bumaba na lang ako, tapos sumakay ulit. Ahahahaha. Kung ano pa yung binabaan ko, yun rin ang sinakyan ko.
Minsan, minsan, minsan magulo ito, kaya kami ay jackpot,
Ayun. First time ko magcutting. Para sa Machine Problem, na todo kinram. Kahapon. Ngayon, napasa ko, at hopefully, masusurvive naman ng grade ko ang 10% deduction ng one day late. Haaay. Hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw gumana nung code ko sa computer ni Ma’am…gumagana naman sa computer namin…
Pag kami’y may project, laging nagkacram!
Sitsiritsit, alibangbang,
Salaginto, salagubang,
Ang babae sa lansangan,
Kung humirit, parang tandang.
Bumili na kayo sa kooperatiba,
Haaay. Umuulan na naman, at tumutodo na ang uhog ko. Kadiri, hahaha. Huwag niyo ako gayahin, na nagpapabasa sa ulan. (Nag-eenjoy naman ako e.) Anlakas pa ng ubo ko. Pwede ring dahilan nito ang pagpupuyat ko sa pagkacram. Lesson: Huwag magcram. Matagl ko na nga dapat natutunan yan…hahahaha.
Sa tindahan ni Ma’am Serra,
Ano pa ba pwede kong masabi?
Sa kabilang dulo ng pasilyo,
Masaya ako. ^_^
Naroon ang hinahanap ko!
Nakablack ako kanina. Wala naman akong kamalay-malay na ang student council ay nag-announce ng black shirt day. Namatay daw yung isang tao, si Cris, sa frat war. Common sense, kung hindi ka naman masyado concerned sa population control (in which case matutuwa ka dahil nauubos na ang sangkatauhan) at normal kang tao (hindi ka sadista), dapat itigil ang frat war.
Mahal ko si ______,
Papunta nga ako dun sa library kanina, may foreign student na nagsabi sa akin ng ‘condolence’.
Kahit di ko masabi…
Kasalanan ko ba na nakaitim ako? Hindi ko naman alam. Pero siguro nakikiramay na rin ako, at naiingit.
Tangi kong pangarap,
Patay na siya e. Wala na siyang problema.
Ang siya ay laging makasama!
Pero may dahilan pa naman akong mabuhay. Masaya pa rin magkaroon ng problema.
Sana nama’y muling makita,
Huwag niyo masyado pansinin ako. Ganyan lang talaga ang malungkuting baliw. Pero, sa ngayon, hindi muna ako malungkutin.
Ang sa akin ay agad na nagpapangiti,
Haaay. Makakahinga na ako ng maluwag. Tapos na ang tambakan week ko. Hahaha.
Tulad ng bagsak ng ulan.
Next time talaga, hindi na ako magkacram. Sana hindi ito matulad sa karamihan sa mga resolusyon ko. Pero mukha namang nakakasunod na ako sa mga resolusyon ko. ^_^
Dalangin ko sana’y pagbigyan!
Frère Jacques, Frère Jacques,
Dormez-vous? Dormez-vous?
Sonnez les matines. Sonnez les matines.
Din, din, don. Din, din, don.
*repeat refrain*
Basta. Masaya talaga ako. Hahahaha. Ambabaw talaga ng kaligayahan ko. Nakakain na ako ng Waffle Time!
And she might just not say no!
Sana…medyo kalahati na ng sana ko ay ayos na. Salamat.
(Lastnote: Fill in the blanks. Teehee. Alam na! Hahahaha. )
P.S. Si Pon yung yellow, at si Zi yung blue. Ngayon ko lang nalaman. Anggulo rin nung tatay ko, nung sinabi nung kapatid ko yun, sabi ng tatay ko talagang hindi pwedeng maging blue ang sipon. Hahahaha. Tsaka anggaling talaga ni Severus Snape. Wala lang. May napansin kayo?

Mga Puna»

1. Mithi - Setyembre 8, 2007

Ang Manic ng comment nato. :P Siguro ngayon nasa manic phase ka, tapos na ang depression days. Manic-depressive folk. Joke. ;)

2. Mithi - Setyembre 8, 2007

Ang Manic ng post nato. :P Siguro ngayon nasa manic phase ka, tapos na ang depression days. Manic-depressive folk. Joke. ;)
–haha pati ako naguluhan kung ano ba ang manic. Kung yung post mo ba o yung comment ko. LOL.

3. Paurong - Setyembre 9, 2007

naranasan ko na yan. sayang nga yung 10 pesos ko e. kasi ba naman tatanga-tanga ako.
tulad mo, ayun nagkra-kram na rin ako sa machine problem. kaya sibat na ako. dumaan lang sagilit… au revoir.

4. loren - Setyembre 12, 2007

aba aba.
may nakikita akooo.
hmm.