jump to navigation

Ang Nasunog

Dapat pala, hindi lang nasunog. Nawalan rin ng pakpak, bumagsak, namatay. At siguro, siguro lang, nakawala na ang kaluluwa.

Dapat talaga ang pahina na ito ay para maipakilala ko ang sarili ko sa inyo. Para naman malaman niyo kung sino ang insekto na ito. Medyo nakakatawa nga e, dahil habang sinusulat ko ito, ay maraming nagliliparan na gamugamo sa aming flourescent lamp. Pinatay ko pa yung isa. Bakit, sa tingin niyo walang napatay si Peter Parker na gagamba dahil kinati siya? Ayun.

Ako si Raymund. Ako ang gamugamong may-ari ng blog na ito. Marami akong liwanag na hinahabol, at hindi ko alam kung masusunog ako sa mga ito, sa mga pangarap, sa mga panaginip na ito, kung hahabulin ko ang mga ito. Sinusunog na ako ng sarili ko sa aking paghihintay; marami nang oras akong naging usok.

Animnapung taon pa lang akong nabubuhay sa mundong ito, sa panahon na isinulat ko ang mga salitang ito, pero marami-rami na ring paso akong natamo, mga liwanag na hindi talaga alab, mga apoy na de-elektriko. Naloko na ako, naengganyo, nagkamali, at nagkakamali pa rin ako. Magkakamali pa rin ako. Pero hindi pa rin naman ako titigil.

Baka maabutan ko pa ang ilaw na hinahanap ko.

Mga Puna»

1. toniwoni - Mayo 25, 2007

haha. tagalog! may multiply na din pala ako. at pangalawa ko pa lang yun. sabay ko sila i-maintain ng wordpress ko!