Wala akong maisip na title. Oktubre 26, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.add a comment
moth to the lantern
consumed by the flame
purged and removed of
the ash and the dust
all that is left
is sweet smelling incense
and his spectre that blazes bright
it is better
to be swallowed by the light
than to live and be stagnant
in the empty and the dark
moth to the lantern
consumed by the flame
the one that i envy is you
Hindi ako makatulog kapag gabi. Kapag nakalubog na ang araw, kahit man pumapatak ang ulan. Hindi ako matahimik, at parang mas makakapahinga pa ako kung dumaraan ang kamay ng liwanag sa aking bintana. Masyado sigurong tahimik, masyado sigurong madilim. Masyado sigurong maraming espasyo kung saan maaring gumuhit ang aking isipan, at kung saan ako pwede lunurin ng aking gunita…
Wala akong magawa. Sana matanggap ako dun sa mga subject na inenlistan ko. Haaay. Ang baba pa ng grado ko. Napaghahalataang tamad. Sana, hindi na naman mapako ang pangako ko sa sarili ko, sa kasunod na sem, na ako ay mag-aaral ng mabuti. Dapat ko ngang gawin iyon, para hindi nakatigil lang ang aking isipan, at nagliliwaliw sa kung saan-saan, katulad ng ginagawa niya sa itim na gabi…
Mas mataas pa grado ko dun sa mga General Education, o GE. Pero sabi ni zandra, mas ayos pa nga yun. Siguro, sa mindframe, sa point of view na titingnan mo na mas mahirap naman talaga yung major mo, yung specialization mo, tama nga naman na makakuha ka ng mas mataas na grade sa kung saan mas madali. Pero kung iisipin mo, dapat doon ka magaling sa major mo. Haaay. Shift kaya ako. Haha.
Isang buwan, at sampu at mahigit kalahating araw na. Binibilang ko pa kasi e. Haaay. Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, at kung kaya ba ng lakas ng loob ko na gawin iyon. Naiingit ako sa gamugamo, na kahit man alam niyang mamamatay siya, ay tuloy pa din ng pagbangga at pagpaso sa sarili sa salamin ng lampara, sa pagtusta sa sarili sa apoy hanggang makarating siya sa kamatayan; alam niya ang gusto niya, at gagawin niya ang lahat para makarating doon. Maganda ang liwanag, at wala na siyang dahilan para mag-alinlangan pa. Ako, hindi ko man alam ang gusto ko, sa kurso ko, sa kanya, na dahilan, kung bakit hindi pa rin ako makatulog…
Wala akong maisip na title. Wala akong maisip na papangalan, na salita, na magkukulong sa lahat nito, sa mga iniisip ko na parang isang tangke ng kape na pinainom sa akin.
Sana. Sana lang.
Hindi ba’t lahat ay panaginip lang, iba-iba lang ang paghimbing? Hindi ba’t lahat ay pangarap din, hindi lang maalala kung kailan ninais…?
(P.S. Titingin ka kaya sa akin ng ganoon, at kahit sandali kaya ay ako ay naaalala? Hindi ko mapigilang mag-isip, kung paano na, paano na, ikaw. Ngingiti ka kaya sa akin ng ganoon? Magkakaroon pa ba ng ganoong pagkakataon? Ang aking isipa’y naglalaro, sa mga tanong na itong mapagbiro, at natutulala ako’t napapaupo, sa aking kama habang niloloko, ng mga paglakbay ng aking imahinasyon.)
gamugamo sa lampara
tinupok ng apoy
tinanggal at sinala
ang dumi at abo
iniwan na lamang
mabangong insenso
at nagliliyab niyang multo
mas mabuti pa
lamunin ng liwanag
kaysa mabuhay, mabulok
na lamang sa dilim
gamugamo sa lampara
tinupok ng apoy
naiingit ako sa iyo
Paglalansi. XD Setyembre 1, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog, Kapirasong Pakpak.4 comments
Bumabaligtad na. Galing na ngayon sa ultiply, napupunta dito sa WordPress ko. Bakit kaya? XD
Here, I will be testing something vital to my later methods. XD
*to the tune of Toyang*
Ayun. Masaya na ulit ako. Ahahahaha. Todo mood shift na ito.
They tried, to tell me na __ ___…
Naranasan niyo na ba na lumampas yung MRT sa istasyon na bababaan niyo? Nangyari sa akin kanina e.
__ ___, ang sagot niya sa akin…
Magallanes dapat ako bababa, kaya lang, doon sa banda Guadalupe station, nakatulog ako…at nagising ako na papunta na sa Taft. Nakakatuwa ang istasyon ng Taft. Titigil lang yung MRT dun, tapos pupunta sa kabilang dulo ata yung driver. Tapos, punta na siyang Magallanes. Magsiswitch na lang siya ng riles kung kinakailangan. Ang galing. Ambabaw ko na naman. XD
Classroom namin, maliit lamang,
Kaya ayun. Bumaba na lang ako, tapos sumakay ulit. Ahahahaha. Kung ano pa yung binabaan ko, yun rin ang sinakyan ko.
Minsan, minsan, minsan magulo ito, kaya kami ay jackpot,
Ayun. First time ko magcutting. Para sa Machine Problem, na todo kinram. Kahapon. Ngayon, napasa ko, at hopefully, masusurvive naman ng grade ko ang 10% deduction ng one day late. Haaay. Hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw gumana nung code ko sa computer ni Ma’am…gumagana naman sa computer namin…
Pag kami’y may project, laging nagkacram!
Sitsiritsit, alibangbang,
Salaginto, salagubang,
Ang babae sa lansangan,
Kung humirit, parang tandang.
Bumili na kayo sa kooperatiba,
Haaay. Umuulan na naman, at tumutodo na ang uhog ko. Kadiri, hahaha. Huwag niyo ako gayahin, na nagpapabasa sa ulan. (Nag-eenjoy naman ako e.) Anlakas pa ng ubo ko. Pwede ring dahilan nito ang pagpupuyat ko sa pagkacram. Lesson: Huwag magcram. Matagl ko na nga dapat natutunan yan…hahahaha.
Sa tindahan ni Ma’am Serra,
Ano pa ba pwede kong masabi?
Sa kabilang dulo ng pasilyo,
Masaya ako. ^_^
Naroon ang hinahanap ko!
Nakablack ako kanina. Wala naman akong kamalay-malay na ang student council ay nag-announce ng black shirt day. Namatay daw yung isang tao, si Cris, sa frat war. Common sense, kung hindi ka naman masyado concerned sa population control (in which case matutuwa ka dahil nauubos na ang sangkatauhan) at normal kang tao (hindi ka sadista), dapat itigil ang frat war.
Mahal ko si ______,
Papunta nga ako dun sa library kanina, may foreign student na nagsabi sa akin ng ‘condolence’.
Kahit di ko masabi…
Kasalanan ko ba na nakaitim ako? Hindi ko naman alam. Pero siguro nakikiramay na rin ako, at naiingit.
Tangi kong pangarap,
Patay na siya e. Wala na siyang problema.
Ang siya ay laging makasama!
Pero may dahilan pa naman akong mabuhay. Masaya pa rin magkaroon ng problema.
Sana nama’y muling makita,
Huwag niyo masyado pansinin ako. Ganyan lang talaga ang malungkuting baliw. Pero, sa ngayon, hindi muna ako malungkutin.
Ang sa akin ay agad na nagpapangiti,
Haaay. Makakahinga na ako ng maluwag. Tapos na ang tambakan week ko. Hahaha.
Tulad ng bagsak ng ulan.
Next time talaga, hindi na ako magkacram. Sana hindi ito matulad sa karamihan sa mga resolusyon ko. Pero mukha namang nakakasunod na ako sa mga resolusyon ko. ^_^
Dalangin ko sana’y pagbigyan!
Frère Jacques, Frère Jacques,
Dormez-vous? Dormez-vous?
Sonnez les matines. Sonnez les matines.
Din, din, don. Din, din, don.
*repeat refrain*
Basta. Masaya talaga ako. Hahahaha. Ambabaw talaga ng kaligayahan ko. Nakakain na ako ng Waffle Time!
And she might just not say no!
Sana…medyo kalahati na ng sana ko ay ayos na. Salamat.
(Lastnote: Fill in the blanks. Teehee. Alam na! Hahahaha. )
P.S. Si Pon yung yellow, at si Zi yung blue. Ngayon ko lang nalaman. Anggulo rin nung tatay ko, nung sinabi nung kapatid ko yun, sabi ng tatay ko talagang hindi pwedeng maging blue ang sipon. Hahahaha. Tsaka anggaling talaga ni Severus Snape. Wala lang. May napansin kayo?
Bulabog Agosto 20, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.1 comment so far
Eto. Alas tres ng umaga, at gising ako. Napakatahimik, naririnig ko yung paggalaw ng second hand ng clock namin. Sana hindi magising yung nanay ko, patay ako kapag nahuli niya ako dito. XD
Hindi ako makatulog! Haaay. Birthday ng kapatid ko ngayon, at ibig sabihin, wala lang. Nabuhay ngayong araw na ito ang isa sa mga pinakamalaking surot sa buhay ko. Hahaha. Sakit pa niya sumipa. Kaya ito ako, naghihintay na baka sakali datnan na ako ng antok. Antok…antok…nasaan ka na? XD
Kamusta kaya siya? Natutulog kaya siya?
Stripes. XD Agosto 11, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog.4 comments
Weee. Masaya. Hahaha.
Reverse tactics. Kahapon, nanood ako ng Pasyon ni Kristo…este…Passion of The Christ, yung play, sa theater dun sa second floor ng Palma Hall. Alam ko yung pangalan, pero hindi ko alam yung spelling, kaya hindi ko na sasabihin. XP Nandoon si Gallor at si Noreen. Parang hindi ko alam. XP ulit. Hahaha. Ayun. Nakita ko lang sila nung mga lampas 5 na. Umalis sila nung mga banda 6, para kumain ng dinner. Nakakain kasi ako kaagad e. (Sayang! XD) 7 ang umpisa nung play. Sort of. Wala akong relo kaya hindi ko nacheck. Talaga ngang napakadaldal ni Gallor.
Ayun. Ano pa ba maikukuwento ko? Overall, dapat solemn yung dating nung Passion, kaya lang, medyo magulo yung mga kasama ko at marami silang nakikita at ipinupoint out. Hindi naman sa nagrereklamo ako. XD Ayoko na masyadong magcomment dun sa play, dahil baka yung mga kalokohan masabi ko, katulad nung isa na parang napakahilig niya sa kanyang sibat. (Oops. May nasabi ako.) Sabi nila may tattoo daw si Jesus. Hindi ko nakita, malabo na ang mata ko, kaya minsan may mga bagay akong hindi nakikita. Mahina na rin ata pandinig ko, dahil may mga bagay akong hindi naririnig. May mga bagay pa rin akong hindi nasasabi. Pero at least nakapagsalita ako ngayon.
Ayun. Nakisabay na lang ako sa pag-uwi sa kanila. Akala namin hindi gumagana yung MRT (gabi na. hmp.) kaya nagbus kami. 25 pesos ang papuntang Evangelista. Ruta namin ni Peri yun, na humaba na instead from Guadalupe, from Quezon Avenue. Kaya nga naman mahal. XD
Nakablue si Gallor, at nakaitim ako.
Tatahimik na ako.
Tinidor Agosto 5, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog.add a comment
Eenie, meenie, miney, mo…liliko, liliko, sa gusto?
Ano nga ba ang gusto ko?
Kaasar. Gusto ko may makausap. Hindi ako matahimik. Puno ako ng ligalig. Para tuloy akong binubulabog sa bawat segundo. Haaay. Ewan ko. Gagawin ko ba o hindi?
Siyempre, medyo naisipan ko na, medyo nakapagtanung-tanong na ako, at parang nakakahiya naman umatras na lang bigla. Pero…ewan ko…kinakabahan na naman ako. Masyado ko na naman pinapalaki ang usapan na ito. Kinakabahan talaga ako. Tinulugan ko na ito, kinulit ko na ang Kuya ko tungkol dito, at…ganoon pa rin.
Nakakatawang isipin na nagkakaganito ako sa isang simpleng bagay. Nakakatawa. Kung hindi nga lang ako ito, humalakhak na ako.
Bahala na.
Ipagdasal niyo na lang ang kaluluwa ko. Haha.
(I would like to apologize for the ambiguity of this post. You are free to postulate whatever assumptions you may have in your mind about my dilemma. Please bear in mind that your theories may not be true…or they may be. ^_^)
Tamad. Period. Hulyo 27, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.2 comments
Agh. Mahirap nga mag-break ng bad habits. Talaga. Waaah.
Pakiramdam ko tuloy bagsak ako sa lahat ng test ko…waaah…at baka ibagsak ko rin yung next week.
Okay, so masyadong todo pessimistic na ito.
Pero talagang dapat matuto rin akong maging masipag. At masipag sa paggawa ng dapat gawin. Madalas kasi masipag ako sa bagay na hindi naman kailangan gawin. Waaah. Sabog-sabog na ako. Lalo na sa Kasaysayan ng Asya. Pakiramdam ko binagsakan na ako ng buong Asya. Waaah.
Kailangan matuto sa pagkakamali! (Kahit parang ganito naman lagi kong ginagawa e…resolution, tapos palpak ulit…hahaha)
Kung may gustong mahabol, dapat tumakbo.
On another topic which I will not say exactly what:
Waaah. Mas lalo na akong nagluluksa ngayon. T_T Pinagsakluban na siguro ako ng langit at lupa. Ano kaya ang gagawin ko? Waaah. Sana…aaghh. Para na naman akong tanga. Tanga. Tanga. Tanga. At akala ko pa naman…
Hintay Hulyo 23, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.5 comments
Bigyan niyo naman ako ng bagay na ikatutuwa ko…
Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro gumagawa na naman ako ng post dahil wala akong magawa. Nakakabagot, nakakainis, at alam kong kapag tumigil ako, mapapaisip na naman ako. Masama na yung masyado ako nag-iisip. Hindi pa tuloy ako ginaganahan gawin ang Kas2. Dapat gawin…dapat gawin…
Wala daw pasok…sana totoo, dahil hindi ako pumasok. At kung may pasok ngayon, nasalanta ako ng Geology 1 na hindi ako nakapag-aral, at nung sa PE pa. Haaay. Meron rin naman sigurong natutulong ang SONA ng ating presidente. May ga bagay na nangyayari para may ibang mangyari, mabuti man o masama, ang una man o ang huli. Sana may nangyari. Kahit biglang tamaan ako ng kidlat dito. Para maiba naman. Tinatamad ako.
Minsan, mas madaling maging tahimik kapag ang mga katabi mo ay maingay, pero kapag lahat ay tahimik, parang nakakairita na, parang may surot na sumusundot. Parang tubig na nabubulok dahil hindi umaandar. Haaay. Minsan, kahit ang mahilig mapag-isa ay kailangan ng kasama. Ng kahit makakausap man lang. Kahit man kaaway. Para lang…may makasama. Para lang…hindi siya malunod sa sarili niya, at sa kanyang mga imahinasyon at munimuni…
Sabi nga nila, no man is an island. Ako, peninsula. May connection pa rin naman sa mainland. Pero mnsan pakiramdam ko parang binaha na tulad ng mga land bridges ang koneksyon ko. Minsan, naiisip ko kung ayos lang ba talaga sa kanila na makasama ako…ako na kay raming kapalpakan sa sarili…agh. Autophobia mode na naman. Kaya dapat hindi ako nababagot e.
Siguro ang impyerno ay isang mahabang paghihintay. Isang mahabang pagkabagot na walang hanggan. Isang pag-aabang sa wala.
Wala nga kayang darating sa akin?
Do all things come to those who wait?
Gulantang Hulyo 20, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.add a comment
Nagulat ako kagabi.
Alam niyo kung bakit?
Ahahahaha.
Minsan nga talaga, may mga bagay na hindi mo inaasahan.
May mga bagay na nakakatawa, nakakatuwa, at nakakagulat. Kaasar, naulit ko yung synonym. Nakakagulantang.
Minsan tuloy ay pakiramdam ko na pinagtitripan ako ng tadhana, at kahit man may mga pagkakataon, na wala akong gawing tama, ay minsan nakasalalay lang sa kanyang ngiti…sa kanyang trip.
Minsan hindi pala nagsisinungaling si Juan Salvador Del Rosario. Congratulations. You said your first sincere statement. Wahahaha.
Minsan hindi naman pala masyado hindi totoo ang mga naririnig mo.
Minsan hindi pala totoo ang ibang iniisip mo, ang ibang nakasanayan mo.
Minsan hindi pala gaano malungkot ang mundo. Minsan ito ay nakakabigla. Nakakagulantang.
Minsan hindi naman masyado sayang na magtype pa ako dito ng mga wala namang halaga sa inyo na kalokohan na nararamdaman ko.
Minsan hindi naman masyado sayang ang mga bagay na nagawa.
Minsan hindi na kailangan mag-alinlangan pa.
Minsan kailangan maging mabilis. At nakakagulantang.
Hindi ko inaasahan na ako rin nama’y mabubulaga.
Hindi ko inaasahan na may maglalagay ng ngiti sa aking mukha.
Hindi ko naman pala masyado maging pessimistic.
Nakakatuwa ang buhay.
Nakakagulantang.
Pintuan Hulyo 13, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog, Kapirasong Pakpak.add a comment
May patay dito malapit sa bahay namin.
Ginagawa ko itong post na ito habang nakikipagYM kay Loren, nakikinig sa mga ungol ng mga matandang kumakanta (patawarin sana ako ng Diyos sapagkat ako ay nagkakasala), at under time pressure ng kapatid kong kasing-adik ko magcomputer…magkocomputer siya in a few moments time. Pinipilit ko pa na gumawa ng post. Haha.
Bakit ko pinipilit magpost? Siguro dahil matagal na rin akong hindi nagpopost. (Matagal na daw o.) Siguro dahil para hindi niyo na mabasa ang mga karumal-dumal na mga obsession ko. Isa nga iyon sa mga dapat itala ko, yung mga obsession ko, (isa sa mga well-known ng mga nakakakilala sa akin sa totoong buhay ay ang babaeng pinag-uusapan sa mga nakaraan at hindi masyado nakaraan ng post. Pinag-uusapan pa tuloy. Ako lang pala ang nagsasalita.), saka yung tag sa akin ni Lotta. (Patawarin sana ako uli ng Diyos.) Para nga naman may post na iba naman ang laman.
Dahil sa nabasa ko sa blog ni Lotta tungkol sa kamatayan, (hindi ko pa siya nalilink. Patawarin ako uli ng Diyos.) at sa namatay na lola sa aming kapitbahay (ang musika! aaah!), ay napag-isipan ko ang tungkol dito sa mokong na ito na laging idinidrowing na may kalawit. Kung kalawit man ang tawag doon. Naisip ko, paano kaya ang mamatay? Oo nga, marami pa akong gustong mangyari at dapat gawin, pero kung mamamatay ako, hindi kaya masaya yun? Wala na akong aalahanin. Walang kapatid na magtatime pressure sa akin. Fifteen minutes na lang ako. Matatahimik na lang ako. Wala nga lang siya doon. (Naman. Nasingit ko na naman siya.) Ano sa tingin niyo? Nasaan na ba kasi si Mr. Kalawit…?
Matanda na ang tatay ko, at humahabol ang nanay ko, ako ang panganay, at late pa ako pinanganak, kaya magfi-50 plus na ang tatay ko. Minsan, sa tingin ko, mas mahirap ang buhay nung namatayan kaysa dun sa namatay. Siyempre, wala nang buhay yung namatay e. Sana wag pa muna sila mamatay. At hindi lang naman matanda ang nasa danger na makalawit, pwedeng maaksidente, sumabog ang MRT, masagasaan ng Ikot, mahulog mula sa overpass, etc. Haaay. Sana hindi masakit ang pagkamatay ko. At huwag naman sila masyado umungol sa pagkamatay ko. Please. Mahirap mawalan ng isang bagay, at sa kamatayan, wala ng paraan para makuha ito muli…
Haaay. Patugtog kayo ng masayang kanta sa lamay ko. At huwag kayong magdala ng pagkain. Magugutom ako.
Agap Hulyo 10, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.add a comment
I do desire we may be better strangers. – William Shakespeare, “As You Like It”
Nasasanay na ako.
Routine. Hindi talaga ako mahilig sa routine, pero talagang madaling masanay ang utak ng tao na may ginagawa na paulit-ulit sa araw-araw. Medyo mas late na ako nagigising ngayon dahil walang magsasarado ng pintuan sa akin ng mga seven o’clock. Kaya bihira talaga itong ginagawa ko ngayon na gising na ako ng four o’clock.
Ayun. Wala pa rin ako masyadong official na kakilala sa mga subject ko, bukod dun sa mga makulit, mga napipilitang makipagkilala dahil kailangan ng bolpen, at sa mga biglang kumakausap na lang sa iyo ng walang rason. Haaay. May mga bagay pa rin talaga na hindi ko kayang gawin. Hindi ko kayang baguhin. Siguro.
Hindi pa rin ako ganoon kapalakaibigan. Ako pa rin ang nanahimik sa isang tabi. Hindi ko pa rin alam kung ano ang aking sasabihin, at kung hindi man, kung tama bang sabihin iyon, ayos lang kaya sabihin iyon, paano ba sasabihin iyon, at kung gusto ko ba sabihin iyon…at nauubos ang oras ko sa kakaaway lang sa sarili ko tungkol sa isang bagya na sasabihin. Haaay nga naman.
Minsan napapaisip pa rin ako kung ano, at kung paano ang mga nangyari, kung iba lang ako…may nadudulot nga ba akong epekto sa mundong ito? Hindi ko naman masyado natitilt ang axis niya. Minsan napapaisip ako kung ano ang mangyayari kung magbabago ako…ang mga bagay dito sa mundong ito ay napakabilis magbago…
Haaay. Nag-iisip na naman ako masyado.
Ano ba kasi ang dapat kong sabihin, at paano…?
Ano ba ang sasabihin ko sa iyo?