Stripes. XD Agosto 11, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog.4 comments
Weee. Masaya. Hahaha.
Reverse tactics. Kahapon, nanood ako ng Pasyon ni Kristo…este…Passion of The Christ, yung play, sa theater dun sa second floor ng Palma Hall. Alam ko yung pangalan, pero hindi ko alam yung spelling, kaya hindi ko na sasabihin. XP Nandoon si Gallor at si Noreen. Parang hindi ko alam. XP ulit. Hahaha. Ayun. Nakita ko lang sila nung mga lampas 5 na. Umalis sila nung mga banda 6, para kumain ng dinner. Nakakain kasi ako kaagad e. (Sayang! XD) 7 ang umpisa nung play. Sort of. Wala akong relo kaya hindi ko nacheck. Talaga ngang napakadaldal ni Gallor.
Ayun. Ano pa ba maikukuwento ko? Overall, dapat solemn yung dating nung Passion, kaya lang, medyo magulo yung mga kasama ko at marami silang nakikita at ipinupoint out. Hindi naman sa nagrereklamo ako. XD Ayoko na masyadong magcomment dun sa play, dahil baka yung mga kalokohan masabi ko, katulad nung isa na parang napakahilig niya sa kanyang sibat. (Oops. May nasabi ako.) Sabi nila may tattoo daw si Jesus. Hindi ko nakita, malabo na ang mata ko, kaya minsan may mga bagay akong hindi nakikita. Mahina na rin ata pandinig ko, dahil may mga bagay akong hindi naririnig. May mga bagay pa rin akong hindi nasasabi. Pero at least nakapagsalita ako ngayon.
Ayun. Nakisabay na lang ako sa pag-uwi sa kanila. Akala namin hindi gumagana yung MRT (gabi na. hmp.) kaya nagbus kami. 25 pesos ang papuntang Evangelista. Ruta namin ni Peri yun, na humaba na instead from Guadalupe, from Quezon Avenue. Kaya nga naman mahal. XD
Nakablue si Gallor, at nakaitim ako.
Tatahimik na ako.
Tula Agosto 7, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Kapirasong Pakpak.2 comments
Wala lang. Kasi may Habagat, dapat may Amihan. XD Naisip ko lang siya kaninang umaga, dahil sa isang mahiwagang blog entry.
Amihan
Ang araw ay sumisikat,
Ang buwan ay nagpupuyat,
Para lamang sa iyo.
Ang oras ay tumatakbo,
Ang mundo ay umiikot,
Ang lahat ng ito ay
Alang-alang sa iyo.
Huwag sabihing, walang silbi,
Wala kang nadulot,
Hindi mo ba ito nakikita?
Huwag sabihing walang kwenta,
Wala kang halaga,
Hindi mo ba ito nadarama?
Ang paghinga’y tumutuloy,
Ang pagtibok’y dumadaloy,
Para lamang sa iyo.
Isipan ay bumabagyo,
Kaluluwa’y sumasamo,
Ang lahat nito ay
Nakasalalay sa iyo.
Kahit di ka maniwala,
Kahit di ka makumbinsi,
May narito para sa iyo…
… Agosto 7, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin.add a comment
Hindi mo na kailangan pang malaman pa.
Hindi mo na kailangan pang maghinala.
Hindi mo na kailangan pang mawari.
Kahit huwag ka na lang tumingin.
Hindi mo na kailangan pang intindihin.
Hindi mo na kailangan pang isipin.
Hindi mo na kailangan malaman pa…
Minsan masakit na hindi masabi ang ninanais.
Minsan, masakit na hindi maintindihan.
Minsan, masakit na hindi mo kayang ipaintindi.
Minsan, masakit na tumigil na lang.
Minsan, masakit ang maghintay.
Kahit man may kahalong tuwa,
may kahalong kasiyahan,
ay may pait na sumasama,
sa bawat pagkakataon,
ng katahimikan.
Ng pagtatago.
Ng paglilihim.
Ng walang kasiguruhan.
Walang kasiguruhan kung nakikita ka ba.
Walang kasiguruhan kung gusto mo nga bang makita.
Minsan, talagang masakit.
Kahit parang wala man lang dahilan.
Kahit parang hindi matino.
Kahit parang…hindi naman kailangan.
Tuwa Agosto 6, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin.2 comments
Hahaha. Weee. Hehehe. Bwahahahaha. Mwahahahaha.
Bakit? Wala lang. Masaya lang ako. Baka hindi magkaroon masyado ng ibig sabihin itong post na ito dahil hindi ko ginawa sa bahay. Pero masaya pa rin ako. Hahahaha. Hahahaha. At kung gaano ako kabilis malungkot, ganoon rin ako kabilis matuwa. Ambabaw talaga ng kaligayahan ko. Haha. First time ko mag-SC ngayon. Ayun si Kat o. Hahaha. Anong connect?
(Tiningnan niya ang Multiply ko! Tiningnan niya ang Multiply ko! Tiningnan niay ang Multiply ko!)
Bulgar. XD
Tinidor Agosto 5, 2007
Posted by Raymund in Alikabok sa Hangin, Balat na Sunog.add a comment
Eenie, meenie, miney, mo…liliko, liliko, sa gusto?
Ano nga ba ang gusto ko?
Kaasar. Gusto ko may makausap. Hindi ako matahimik. Puno ako ng ligalig. Para tuloy akong binubulabog sa bawat segundo. Haaay. Ewan ko. Gagawin ko ba o hindi?
Siyempre, medyo naisipan ko na, medyo nakapagtanung-tanong na ako, at parang nakakahiya naman umatras na lang bigla. Pero…ewan ko…kinakabahan na naman ako. Masyado ko na naman pinapalaki ang usapan na ito. Kinakabahan talaga ako. Tinulugan ko na ito, kinulit ko na ang Kuya ko tungkol dito, at…ganoon pa rin.
Nakakatawang isipin na nagkakaganito ako sa isang simpleng bagay. Nakakatawa. Kung hindi nga lang ako ito, humalakhak na ako.
Bahala na.
Ipagdasal niyo na lang ang kaluluwa ko. Haha.
(I would like to apologize for the ambiguity of this post. You are free to postulate whatever assumptions you may have in your mind about my dilemma. Please bear in mind that your theories may not be true…or they may be. ^_^)
Hehe. Agosto 4, 2007
Posted by Raymund in Kapirasong Pakpak.add a comment
Repost ko lang. Lumitaw na ito dati sa Xanga ko na malamang hindi niyo na talaga nakita. Hulaan niyo kung anong kanta ito. Haha. Tinagalog ko pa kasi e. ^_^ Hindi masyado exact yung pagkakatranslate, pero sana magustuhan niyo. Luma na ito. Heehee.
Kanyang buhok at mga mata,
sa akin ay nagdadala,
at ako’y napapaibig, nanlalamig,
pero ito, ay masaya.
Lahat ng beses na siya’y minasdan,
buhok niya ay kanyang laruan,
siya’y tahimik sa sarili’y nag-aaliw,
at nanonood ako na parang baliw.
Mahal ko siya ng buong puso ko,
nanginginig boses at kamay ko,
siya lang titingnan ko,
siya lang kailangan ko,
di ko na naman kaya ito.
Napakagaling na himig,
pag ngalan ko ay kanyang sambit,
mundo’y umiikot sa tawa niya’t biro,
di na ko nagtataka na ako’y tuliro.
Mahal ko siya ng buong puso ko,
nanginginig boses at kamay ko,
sapagkat nakakatakot sa dagat na ito,
ngunit ito’y aking paraiso.
siya lang titingnan ko,
siya lang kailangan ko,
di ko na naman kaya ito.
Kanyang buhok at mga mata,
sa akin ay nagdadala,
at ako’y napapaibig, nanlalamig,
pero ito, ay masaya.
Lahat ng beses na siya’y minasdan,
buhok niya ay kanyang laruan,
siya’y tahimik sa sarili’y nag-aaliw,
at nanonood ako na parang baliw.
Mahal ko siya ng buong puso ko,
nanginginig boses at kamay ko,
sapagkat nakakatakot sa dagat na ito,
ngunit ito’y aking paraiso.
siya lang titingnan ko,
siya lang kailangan ko,
di ko na naman kaya ito.
Finis.
Takip Agosto 1, 2007
Posted by Raymund in Kapirasong Pakpak.add a comment
Sino ka ba?
Napakarami kong gustong malaman, na hindi ko malaman, na hindi ko pwedeng malaman. Napakarami kong gustong maintindihan, tungkol sa iyo.
Sino ka nga ba talaga?
Hindi naman ikaw binubuo ng pangalan mo lang. O ng iyong katawan, ng iyong mukha, ng iyong mga kamay, ng iyong mga paa. Hindi naman ikaw binubuo lamang ng iyong isipan, ng iyong kakayanan, ng iyong nararamdaman, ng iyong kapangyarihan, ng iyong kahinaan; hindi naman ikaw binubuo ng iyong mga sikreto, ng iyong mga ginawa, ng iyong mga alaala, ng iyong mga pinagdaanan.
Mga maliliit lang silang piraso mo. Lamang.
Sino ba ako para malaman kung sino ka?
Wala akong pasok ngayon, Wednesday. Ang Wednesday ang araw na wala halos pasok sa UP, karamihan ng mga may pasok ay para sa mga PE class nila. Nandito ngayon ako sa bahay, nagtatype, at nag-iisip. Masyado nga siguro ako nag-iisip.
Marami pa akong kailangan matutunan. Iyon ay isa sa mga natutunan ko sa aking dalawang buwan sa Diliman. Kailangan talaga wakasan ko na ang aking pagiging tamad. Haaay. Kailangan, kahit alam ko na rin naman ang karamihan sa Math 17, ay mag-ingat ako, dahil ang mga mali ko ay mga hindi pagsunod sa direksyon. Kailangan ko na talagang matuto mag-aral sa Kasysayan 2. Kailangan matuto na akong magnotes ng maayos sa Geology 1. Kailangan kong mag-aral sa test sa English 12. Kailangan magpractice para sa PE. (Taekwondo PE ko e.) Kailangan pag-igihan ang Majors ko! Hahaha. Kailangan makuha ang refund sa tuition, mapacountersign ang ID na napakatagal ng hidni nakacountersign, at para magawa iyon, makakuha uli ng Form 5…haaay. Mas lalo tuloy akong tinatamad.
Sa marami pang ibang aspeto ko siya dapat habulin. Sa marami pang aspeto dapat kitang habulin.
Nilalakad ko lang lahat ng mga pagitan ng mga building ng klase ko. Enjoy ako doon e. Pero ibang usapan yung pagtakbo. Natutuwa rin akong tumakbo, pero mabilis ako maubusan ng hininga. At kung hindi ko man mahabol ang hininga ko…paano pa kaya ang… Haaay. Marami pa akong dapat gawin. Kung gusto ko pang makahabol. Maikli lang ang hininga ko…maikli lang ang mga oras ko…ang buhay ko…at marami pa akong gustong abutin…
Sino ba ang gusto kong makilala?
Sabi nila, ‘Familiarity breeds contempt.’ Minsan, maganda ang mga bagay dahil hindi natin sila alam. Dahil hindi natin nararamdaman kung ano ang hirap nila. Ano kaya kung iba ang kurso ko? Iba ang ginawa ko? May ginawa ako? Kay ganda ng damuhan sa kabilang ibayo. Kay ganda ng dilim ng kalangitang mataas. Ano kaya ang masasabi ko, kapag naroon na ako?
Sino ka ba?
Gusto kong malaman. Kung pwede lang naman. Kung ayos lang sa iyo…
Umaga Hulyo 31, 2007
Posted by Raymund in Kapirasong Pakpak.add a comment
Sa pagbukas ng aking mga mata, liwanag na ang aking nakita, nakataas na ang araw. Napaisip ako, ito ay isa na namang bagong simula.
Dalawang dosenang oras, may tiglimang dosenang minuto, ano kaya ang laman ng buhay ko ngayon? Ano kaya ang ibabalibag ng kapalaran sa akin? Aasa ako, na hiling ko ay darating.
Kung hindi man ngayon, ay may bukas pa, na gigising muli sa sinag ng araw, at mayroon na naman akong dalawang dosenang oras ng pag-asa, dalawang dosenang oras ng hininga.
Finis.
Tamad. Period. Hulyo 27, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.2 comments
Agh. Mahirap nga mag-break ng bad habits. Talaga. Waaah.
Pakiramdam ko tuloy bagsak ako sa lahat ng test ko…waaah…at baka ibagsak ko rin yung next week.
Okay, so masyadong todo pessimistic na ito.
Pero talagang dapat matuto rin akong maging masipag. At masipag sa paggawa ng dapat gawin. Madalas kasi masipag ako sa bagay na hindi naman kailangan gawin. Waaah. Sabog-sabog na ako. Lalo na sa Kasaysayan ng Asya. Pakiramdam ko binagsakan na ako ng buong Asya. Waaah.
Kailangan matuto sa pagkakamali! (Kahit parang ganito naman lagi kong ginagawa e…resolution, tapos palpak ulit…hahaha)
Kung may gustong mahabol, dapat tumakbo.
On another topic which I will not say exactly what:
Waaah. Mas lalo na akong nagluluksa ngayon. T_T Pinagsakluban na siguro ako ng langit at lupa. Ano kaya ang gagawin ko? Waaah. Sana…aaghh. Para na naman akong tanga. Tanga. Tanga. Tanga. At akala ko pa naman…
Hintay Hulyo 23, 2007
Posted by Raymund in Balat na Sunog.5 comments
Bigyan niyo naman ako ng bagay na ikatutuwa ko…
Ewan ko ba sa sarili ko. Siguro gumagawa na naman ako ng post dahil wala akong magawa. Nakakabagot, nakakainis, at alam kong kapag tumigil ako, mapapaisip na naman ako. Masama na yung masyado ako nag-iisip. Hindi pa tuloy ako ginaganahan gawin ang Kas2. Dapat gawin…dapat gawin…
Wala daw pasok…sana totoo, dahil hindi ako pumasok. At kung may pasok ngayon, nasalanta ako ng Geology 1 na hindi ako nakapag-aral, at nung sa PE pa. Haaay. Meron rin naman sigurong natutulong ang SONA ng ating presidente. May ga bagay na nangyayari para may ibang mangyari, mabuti man o masama, ang una man o ang huli. Sana may nangyari. Kahit biglang tamaan ako ng kidlat dito. Para maiba naman. Tinatamad ako.
Minsan, mas madaling maging tahimik kapag ang mga katabi mo ay maingay, pero kapag lahat ay tahimik, parang nakakairita na, parang may surot na sumusundot. Parang tubig na nabubulok dahil hindi umaandar. Haaay. Minsan, kahit ang mahilig mapag-isa ay kailangan ng kasama. Ng kahit makakausap man lang. Kahit man kaaway. Para lang…may makasama. Para lang…hindi siya malunod sa sarili niya, at sa kanyang mga imahinasyon at munimuni…
Sabi nga nila, no man is an island. Ako, peninsula. May connection pa rin naman sa mainland. Pero mnsan pakiramdam ko parang binaha na tulad ng mga land bridges ang koneksyon ko. Minsan, naiisip ko kung ayos lang ba talaga sa kanila na makasama ako…ako na kay raming kapalpakan sa sarili…agh. Autophobia mode na naman. Kaya dapat hindi ako nababagot e.
Siguro ang impyerno ay isang mahabang paghihintay. Isang mahabang pagkabagot na walang hanggan. Isang pag-aabang sa wala.
Wala nga kayang darating sa akin?
Do all things come to those who wait?